^

Metro

Dolomite Beach drainage na 'nagdudulot ng baha' Setyembre pa matatapos — DPWH

Philstar.com
Dolomite Beach drainage na 'nagdudulot ng baha' Setyembre pa matatapos — DPWH
MBCO deputy executive director Jacob Meimban Jr. said theyhave plans to extend the beach area that was initially opened to the public.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Sa susunod pang buwan maaayos ang proyekto sa drainage system ng Manila Baywalk Dolomite Beach na siyang nagdudulot ng pagbaha sa ilang lugar sa lungsod ng Manila, ayon sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong Martes.

“Ang programa namin dito is [b]aka makumpuni namin lahat ito by middle of September or latest end of September,” sambit ni Public Works Secretary Manuel Bonoan sa isang panayam sa radyo.

Anang opisyal, hindi pa natatapos ang proyekto dahil sa karagdagang requirement mula Department of Environment and Natural Resources (DENR) na silang nagsabi na kailangan pang pahabain ang mga drainage pipe sa 300 metro.

"Itong tatlong pumping stations na sinasabi natin kailangan po i-enhance 'yung capacity ng mga bomba diyan kasi nag-require ang DENR na i-extend 'yung mga pipes going to Manila Bay para hindi madumihan ang dolomite beach,” paliwanag niya.

Dahil inaayos pa ang mga bomba ng tubig, tanging "gravity" lang anya ang nagpapadaloy ng tubig sa mga pumping station.

Nang tanungin kung nagdudulot ba ng baha sa ilang bahagi ng Maynila ang naturang proyekto: "Partly po,” ang naging tugon niya.

Ani Bonoan, dapat raw magtatag ng isang sewage treatment plant nang sa gayo'y maging mas malinis ang drainage water na dadaloy sa Manila Bay na siyang alinsunod sa utos ng Korte Suprema.

Dagdag pa niya, ang mga pumping station na malapit sa dolomite beach ay binuo bilang "tripartite activity" ng DPWH, DENR, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). 

Giit niya, ang MMDA ang responsable sa internal drainage sa NCR at nakasuporta lang ang DPWH.

Nito lamang Lunes nang idinikdik ng MMDA ang "unfinished project" bilang sanhi ng pagbaha sa ilang bahagi ng Maynila matapos ang pagbuhos ng ulan bunsod ng Habagat.

Ayon sa ulat ng GMA News, ang drainage system ay ang Padre Faura Drainage, Remedios Drainage at Estero De San Antonio.

“Sarado po. Hindi pa natatapos ang project ng DPWH 'yung pumping station and installation ng pipe... so mabagal ang pag-subside ng tubig baha,” sambit ni MMDA acting general manager Baltazar Melgar sa isang panayam. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

DOLOMITE BEACH

FLOODING

LUNETA

MANILA BAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with