Walden Bello, inaresto!
MANILA, Philippines — Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon si dating Akbayan Representative Walden Bello, na kumandidato sa vice presidential race noong Mayo.
Batay sa impormasyon na nakarating kay QCPD Director PBGEN Remus Medina, nabatid na may kinalaman ang pag-aresto sa kasong cyber libel na kinakaharap ni Bello.
Sinasabing si Bello ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng korte laban sa kanya kahapon ng hapon.
Ani Medina, inaasahan at alam ni Bello na siya ay aarestuhin.
Dinala umano si Bello sa tanggapan ng QCPD-Police Station 8.
Matatandaang si Bello ay una nang sinampahan ng cyber libel ng dating Information Office chief ng Davao City na si Jerry Tupas matapos siyang isangkot sa ilegal na droga.
- Latest