^

Metro

Misis, napatay sa sakal ni mister

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Misis, napatay sa sakal ni mister
Nakilala  ang biktima na si May Encinares, 26, at residente ng Brgy. Alicia, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang misis ang iniulat na napatay sa sakal ng kanyang mister na naganap sa loob mismo ng kanilang tahanan sa ­Quezon City, kamakalawa.

Nakilala  ang biktima na si May Encinares, 26, at residente ng Brgy. Alicia, Quezon City.

Sumuko naman sa pulisya ang suspect na mister na si Ralph Miguel Encinares, 26.

Batay sa ulat ni PCPL Rasul Monib, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng ­Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-7:40 ng umaga ng Martes nang madiskubre ang bangkay ni May sa loob ng kanilang tahanan, ng kanyang mga magulang na sina Rafael at Belen Historillo.

Nauna rito, nakarating umano sa mag-asawang Historillo ang ulat na inihatid ng suspek sa nanay nito ang dalawang anak nila ni May.

Dahil dito, kaagad na nagtungo ang mag-asawang Historillo sa tahanan ng mag-asawang Encinares upang alamin kung ano ang nangyari, at dito na nila nadiskubre ang bangkay ng anak.

Pagdating naman ng mga pulis, sinabi nila sa mag-asawang Historillo na sumuko na sa pulisya si Ralph dakong alas-8:00 ng umaga at inamin ang pagpatay sa asawa.

Sa salaysay ng suspek, lumilitaw na mada­ling araw pa lamang nang mapatay niya ang misis.

Aniya, bago ang krimen ay mahimbing siyang natutulog nang magi­sing dahil sa pananakal sa kanya ng biktima. Ayon kay Ralph, sinubukan pa niyang makiusap sa asawa na tumigil na ngunit hindi siya pinakinggan nito.

Nang magawa umano niya itong pigilan ang misis ay nagdilim na rin ang kanyang paningin kaya’t sinakal rin niya ito.

Inakala pa umano niya na nawalan lamang ng malay ang asawa ngunit nang makumpirmang patay na ito, ay kaagad na niyang dinala ang kanilang mga anak sa kanyang ina at saka siya sumuko sa pulisya.

Inamin ni Ralph na may galit sa kanya ang asawa dahil noong 2017 ay nahuli siya nito na may ibang babae. Noon naman aniyang Agosto 2021 ay nahuli rin niya ang babae na may ka-text na lalaki sa cellphone nito sanhi upang lalong lumala ang kanilang problema.

Si Ralph ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng parricide sa piskalya.

CIDU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with