^

Metro

Lalaki hulog sa condo, lasog 

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang malaglag buhat sa itaas ng isang condominium building sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang pagkaka­kilanlan sa nasawi na natagpuang walang buhay dakong alas-5:40 ng madaling araw sa ibaba ng condominium building na nasa kahabaan ng Adriatico Street sa Ermita.

Sa ulat, nakatanggap ng tawag ang J. Bocobo Police Community Precinct ukol sa insidente ng pagkahulog ng isang lalaki sa naturang condominium building.

Rumesponde ang mga pulis pero hindi na nila naabutan sa lugar ang biktima na isinugod na ng security personnel ng gusali sa Philippine General Hospital kung saan idineklara siyang wala nang buhay dakong alas-7:30 ng umaga.

Habang isinusulat ito, patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pamamagitan ng pagkalap ng impormasyon sa pamunuan ng condominium building sa pagkakakilanlan sa biktima, kung tenant siya o bisita, at kung aksidente ba o sadya itong tumalon sa gusali.

vuukle comment

ERMITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with