^

Metro

P6.8 bilyon kailangan ng LTO sa license plate backlog

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P6.8 bilyon kailangan ng LTO sa license plate backlog
Ayon kay LTO officer-in-charge Romeo Vera Cruz, malaki ang backlog ng plaka sa mga 4-wheel at motorsiklo.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nangangailangan ang Land Transportation Office (LTO) ng P6.8 bilyon upang mapunan ang license plate backlog ng ahensiya.

Ayon kay LTO officer-in-charge Romeo Vera Cruz, malaki ang backlog ng plaka sa mga 4-wheel at motorsiklo.

Idinagdag pa nito na kayang-kayang punan ang plate vehicle backlog kung mayroon ng pondo.

Sa ngayon anya ay wala namang problema sa  production ng plaka dahil mayroong  modern plate-making plants ang LTO na 2 robots at 10 manual embossing machines pero mawawala ang backlog sa plaka kung mayroon ng pondo para dito.

Sinabi ni Vera Cruz na noong nagdaang buwan, ang LTO ay may motorcycle plate backlog  na 10 milyon.

Anya noong 2019 pa ay humiling ang LTO sa Kongreso ng P2.6 bil­yong budget para magawan ng paraan ang plate backlog. Lumaki na anya ngayon ang backlog kaya tumaas na din ang pangangailangan sa pondo.

LTO

PLATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with