Bagong water project ng Maynilad, inilunsad
MANILA, Philippines — Inilunsad ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang kanilang bagong water project na kinapapalooban ng pag-recycle sa ‘used water’ para gawing malinis na inuming tubig.
Ang okasyon ay pinangunahan nina Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez at Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado na nanguna sa pag-inom ng recycled water para patunayan na malinis na inumin ang tubig mula sa proyekto.
Kasama sa launching sina Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Atty. Patrick Lester N. Ty , Parañaque Mayor Eric L. Olivares, City Environment and Natural Resources Office Head Bernardo Amurao, Department of Health–Environmental and Occupational Health Center (DOH-MMCHD) Head Dr. Wency Blas; Department of Environment and Natural Resources Undersecretary for Field Operations-Luzon, Visayas at Environment Atty. Juan Miguel T. Cun at MWSS Administrator Engr. Leonor C. Cleofas. Sa kanilang pilot implementation ng bagong Water project, nagtayo ang Maynilad ng may P450-million modular treatment plant na kokolekta sa treated used water na na-discharged ng Parañaque Water Reclamation Facility at mai-convert itong drinkable water.
May kakayahan itong magbigay ng 10 milyong litro ng malinis na tubig kada araw na idaraan sa distribution system para ihalo sa standard drinking water mula sa Maynilad’s La Mesa Treatment Plants bago isuplay sa mga narangays San Isidro at San Dionisio sa Parañaque City.
Ang New Water Project ng Maynilad ay nakakuha na ng Certificate of Potability sa Parañaque City Heath Office. Ang New Water project ay isa sa inisyatiba ng Maynilad upang madagdagan ang mga alternatibong raw water source options para isuplay sa dumaraming customer at magamit itong panuplay sa panahon na may water shortage sa Metro Manila.
- Latest