MANILA, Philippines — Mananatili ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 1 simula Hulyo 1 hanggang Hulyo 15, ayon sa Malacañang.
Ginawa ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar ang pahayag matapos i-update ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga matrice na gagamitin para sa Alert Level System, at sa alert level classification ng mga probinsya, highly urbanized cities (HUCs), independent. component city (ICCs), component cities, at munisipyo.
Aalisin sa bagong matrix ang dalawang linggong growth rate sa pagtukoy sa mga “case risk classification.” Ang case risk classification ay ibabase sa average daily attack rates at kanilang kasalukuyang limitasyon o thresholds.
Gayunman, pinanatili ng IATF ang total bed utilization rate at main metric para health system capacity.
Ang pagtatalaga ng alert level ay ibabase sa revised cross-tabulation ng total bed utilization rate at average daily attack rate.
Sa kabuuan nasa 85 sa 121 probinsiya, HUCs at ICCs at 166 sa 744 iba pang component cities at municipalities ang inilagay sa Alert Level 1 simula Hulyo 1 hanggang Hulyo 15, ayon sa Malacañang.