Fetus itinapon sa eskinita
MANILA, Philippines — Isang fetus ang natagpuan sa isang madilim na eskinita sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng umaga.
Nakalagay ang fetus sa isang garapon nang madiskubre ng isang residenteng naglilinis sa may eskinita ng Lakandula Street, Barangay 33 sa Tondo.
Agad iniulat ng residente sa barangay ang pangyayari, at ito naman ang nag-abiso sa pulisya.
Hinihinala ng mga tauhan ng Manila Police District na taga-ibang lugar o barangay ang nagtapon ng fetus dahil sa wala namang naiulat na buntis sa kanilang maliit na barangay.
Inaalam pa ng Manila Police District kung sino ang nag-abandona sa fetus sa pag-review sa kuha ng CCTV sa bisinidad.
- Latest