Metropolitan Theatre, nasunog
MANILA, Philippines — Nasunog ang ilang bahagi ng bagong renovate na Metropolitan Theater sa Arroceros, Ermita, Manila.
Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Department, dakong alas-8:55 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa ticketing office na ginawang barracks ng mga construction worker na patuloy na nagkukumpuni sa gusali.
Alas-9:23 ng umaga nang ideklarang fire under control ang sunog at alas-9:41 ng umaga nang magdeklara ng fire out.
Tanging ang gilid lamang ng gusali ang naapektuhan ng apoy at hindi nadamay ang pinakaloob na teatro. Wala ring naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente.
Pansamantala namang isinara sa motorista ang kalsada patungong Quezon Bridge at bahagi ng Quiapo para bigyan daan ang mga bumbero upang tuluyang maapula ang sunog.
Patuloy ang imbestigasyon para mabatid ang sanhi ng sunog.
Related video:
- Latest