^

Metro

Drive thru vaccination, swab test sa Quirino Grandstand, isasara na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Drive thru vaccination, swab test sa Quirino Grandstand, isasara na
Motorists queue for booster shot for COVID-19 during a drive-thru vaccination at Quirino Grandstand in Manila on Jan. 15, 2022.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Isasara na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang 24/7 drive-thru vaccination at swab test sa Quirino Grandstand makaraan ang unti-unting pagtumal ng mga taong nais kumuha ng libreng serbisyo.

Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang The Capital Report na ititigil na ang ‘drive thru’ sa Hunyo 7 subalit tiniyak na tuluy-tuloy naman ang libreng swab test sa kanilang mga pandistritong ospital.

Ang mga nais naman na magpabakuna ay maari pa rin sa ilang pi­ling malls, pampublikong paaralan at sa mga district ospital na rin.

Maaaring bisitahin ang facebook page na Isko Moreno Domagoso at Manila Public Information Office upang malaman ang mga schedule at lugar kung saan maaaring makapagpabakuna ng 1st dose, 2nd dose gayundin ng booster shots.

Matatandaan na noong Agosto 2021 pa binuksan ni Domagoso ang kauna-unahang drive thru vaccination para masilbihan hindi lang mga taga-Maynila ngunit maging ibang Pilipino mula sa iba’t ibang lugar.

DRIVE THRU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with