Pampasabog nadiskubre sa Navotas
MANILA, Philippines — Isang hand grenade ang natagpuan matapos aksidenteng mahukay sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Sa nakarating na ulat kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-10:20 ng umaga nang madiskubre ni Marcelino Estrada, 46, ng ang isang MK2 (High Explosive) sa Lapu-Lapu St., sa naturang barangay.
Lumabas sa imbestigasyon ni PCPL Billy Godfrey Aparicio na nagbubungkal ng lupa si Estrada sa nabanggit na lugar malapit sa tulay para magtanim ng gulay nang aksidente niyang mahukay ang nasabing granada.
Bagamat kinakalawang na, buo pa rin ang granada.
Agad niyang ipinaalam sa mga tauhan ng Navotas Police Kaunlaran Sub-Station 4 ang natuklasan na sila namang humingi ng tulong sa Explosive Ordnance Disposal (EOD). Naging mabilis naman ang responde ng mga tauhan ng EOD sa pangunguna ni PEMS Amadeo Ponpon kung saan nakuha granada.
- Latest