^

Metro

Dagdag na honoraria sa teachers ‘di bababa sa P2K – Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dagdag na honoraria sa teachers ‘di bababa sa P2K – Comelec
Citizens of Potrero, Malabon cast their votes at Potrero Elementary School on May 9, Wednesday.
Philstar.com / Deejae Dumlao

MANILA, Philippines — Makakatanggap ng hindi bababa sa P2,000 dagdag na honoraria ang mga guro na nagsilbi ng sobra-sobrang oras nitong nakalipas na eleksyon ng Mayo 9 dulot ng mga nagka-aberyang ‘vote counting machines (VCMs).

Ipinaliwanag ni Comelec acting spokesman, Atty. John RexLaudiangco na posibleng ma­ging batayan nila sa pagkakaloob ng dagdag na kompensasyon ay ang P2,000 ipinagkaloob sa mga guro na nakaranas din sa kahalintulad na problema noong 2019 elections.

Unang natanggap ng Comelec ang liham mula kay Education Secretary Leonor Briones para sa hiling na additional honoraria. Dito hinihiling ni Briones na mabigyan ng tig-P3,000 ang bawat guro at poll workers na nagtrabaho ng sobrang oras.

Ngunit sinabi ni ­Lau­diangco na hindi nila tiyak kung kaya nilang ibigay ang P3,000 na hinihingi.  Nakatitiyak lamang umano siya na hindi bababa sa P2,000 ang maibibigay sa mga kuwalipikadong guro.

Nilinaw rin niya na ang ekstrang bayad ay hindi maituturing na overtime pay at sa halip ay special incentives lamang.

Binigyang-diin ni Laudiangco na bago aprubahan ng Comelec en banc ang dagdag na honoraria, kailangan munang maging malinaw mula sa kanilang Finance Department na may pondong pagkukunan at tatalima ito sa accounting and audit rules.

Sa datos ng Comelec, 915 na VCMs ang nagkaroon ng problema at natagalan ang pag­resolba kaya’t posib­leng umabot sa mahigit 5,000 guro at pollwor­kers ang tatanggap ng dagdag na honoraria.

VCM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with