^

Metro

Eleksiyon ‘di maaapektuhan sa pagpapalit ng liderato sa PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maaapektuhan ng posibleng pagpapalit ng liderato sa Philippine National Police (PNP) sa Mayo 8 ang halalan sa Mayo 9.

Ito naman ang tiniyak ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo kung saan nakatakdang magretiro si PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa Mayo 8.

Ayon kay Fajardo, wa­lang dapat na alalahanin ang publiko dahil handa ang PNP na  tumugon sa mga alalahanin sa seguridad sa panahon ng halalan.

Nang tanungin kung sino ang papalit kay Carlos, sinabi ni Fajardo na hinihintay pa nila ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagtatalaga ng posibleng bagong pinuno ng PNP.

Nobyembre 12, umupong PNP chief si Carlos. Siya ang ikapitong hepe ng PNP sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Carlos na tututukan ng kanyang pamunuan ang pagtiyak sa maayos at mapayapang pagsasagawa ng pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9.

Samantala, sinabi ni Fajardo na ang karagdagang tauhan ng pulisya—kabilang ang mga reactionary standard support forces (RSSFs) mula sa PNP national at regional headquarters, gayundin ang humigit-kumulang 16,000 pulis na nasa ilalim ng pagsasanay ay inaasahang ipapakalat sa mga election areas of concern sa susunod na linggo.

ELEKSYON

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with