^

Metro

Patay kay ‘Agaton’ pumalo na sa 172 - NDRRMC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Patay kay ‘Agaton’ pumalo na sa 172 - NDRRMC
Residents look outside the window of their submerged house after heavy rains brought about by Tropical storm Agaton in Abuyog town, Leyte province, southern Philippines on April 11, 2022.
BOBBIE ALOTA / AFP

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 172 ang naiulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ng umaga, 156 ang nasawi sa Eastern Visayas; 11 sa Western Visayas; tatlo sa Davao Region at dalawa sa Central Visayas.

Gayunman sa nasabing bilang, 12 pa lamang ang kinumpirma ng NDRRMC kung saan  11 dito ay mula sa Western Visayas at isa sa Eastern Visayas.

Nananatili naman sa 110 ang nawawala.

Samantala, sumampa na sa 2,015,643 indibidwal o 583,994 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Agaton.

Mula ito sa 2,419 na mga barangay sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Min­danao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Umaabot naman sa 207,572 indibidwal ang nananatili sa mga eva­cuation centers habang nasa 188,348 ang nakikitira muna sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 517 insidente ng pagbaha, 88 landslides, anim na flash floods, limang pagkalunod, tatlong maritime incidents, dalawang insidente ng pag-apaw ng creek at isang insidente ng pag-apaw ng ilog.

Nagdeklara na ng state of calamity ang 16 lungsod at munisipalidad sa mga rehiyon na hinagupit ng bagyo.

AGATON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with