^

Metro

Ammonia leak sa Navotas: 1 patay, 16 na ospital

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Ammonia leak sa Navotas: 1 patay, 16 na ospital
Kinilala ang biktima na si Edwin Dela Vina, 48, na namatay sa kasagsagan ng  paglilikas ng mga residente. Sinasabing ang biktima ay may sakit sa puso.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isa ang iniulat na nasawi, habang labing anim naman ang  isinugod sa pagamutan nang magkaroon ng ammonia leak sa isang ice plant sa Navotas City, kahapon ng  madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Edwin Dela Vina, 48, na namatay sa kasagsagan ng  paglilikas ng mga residente. Sinasabing ang biktima ay may sakit sa puso.

Paglilinaw naman ni Vonne Villanueva, Navotas Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) chief, kailangan muna maimbestigahan at makuha ang kopya ng medico legal upang matukoy kung may kinalaman ba sa ammonia leak ang pagkamatay ng  biktima.

Ayon kay Villanueva, ang pito pang biktima na  kasalukuyan nasa Navotas City Hospital ay nakatira malapit sa  Magsimpan Ice Plant sa Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) Proper, Navotas, kung saan naganap ang ammonia leak.

Batay naman sa imbestigasyon ni Fire Inspector Frederick Polo ng BFP Navotas, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa  Magsimpan Ice Plant sa Navotas.

Nakakasulasok  na  amoy  ang nalanghap  ng mga residente na naging dahilan ng paninikip ng kanilang dibdib. Agad ding inilikas mula sa planta ang nasa 15 sa mga empleyado.

Matapos ang isang  oras, idineklarang kontrolado  na ang ammonia leak.

Inaalam pa nila kung saan nagmula ang tagas o leak. Ito na ang pangatlong beses na nagkaroon ng ammonia leak sa nasabing ice plant.

Inaabisuhan ang mga residente na iwasang lumapit sa planta at magsuot ng face mask para sa kanilang kaligtasan.

Sa ngayon ay ipinatigil muna nila ang operasyon ng planta at titiyakin na ligtas na ang lahat bago pa man sila payagang makabalik.

Nabatid kay Villanueva na nasa 10 taon nang ­operational ang Magsimpan Ice Plant.

DRRMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with