^

Metro

Serial rapist arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Serial rapist arestado
Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director BGen Remus Medina, ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, hepe ng Holy Spirit Police Station (PS 14), kinilala ang suspek na si Mhelo Monsada, 35, at nakatira sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City police  ang isang lalaking itinuturong suspek sa pagdukot at panggagahasa sa 4 na babae  kabilang ang tatlong menor-de-edad.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na ang apat na biktima, na hindi na pinangalanan para sa kanilang proteksiyon, ay sunud-sunod na dinukot at ginahasa ng suspek noong nakaraang taon sa magkakahiwalay na insidente.

Nabatid na isang confidential informant ang sumangguni sa PS 14 at nagbigay ng impormasyon hinggil sa mga ilegal na aktibidad ng suspek katulad ng pagbebenta umano ng baril, mga insidente ng panggagahasa sa mga menor-de- edad, at talamak na robbery holdup sa iba’t-ibang bahagi ng Quezon City, Marikina City, Bulacan, at Cavite.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng PS 14 base sa mga datos na nakalap kaugnay sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek na nagresulta sa pagkakadakip nito dakong alas-5:00 ng hapon ng Abril 3, 2022 sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Narekober mula sa suspek ang isang Magnum caliber .22 Black Widow revolver, isang MK2 handheld grenade, apat na bala, isang Honda Click 125 na motorsiklo, at P2,000 cash.

Ang suspek ay nakapiit na at mahaharap sa patung-patong na kaso ng Forcible Abduction sa ilalim ng Article 342 ng Revised Penal Code, Rape sa ilalim ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law, at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may kaugnayan sa Omnibus Election Code.

Serial rapist arestado

Mer Layson

NADAKIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with