P2/litro rollback sa gasolina asahan
MANILA, Philippines — Panibagong bawas sa presyo ng petrolyo ang ipatutupad sa susunod na linggo ng mga kompanya ng langis.
Ito pa lang ang ikalawang rollback ngayong taon matapos sumirit ang presyo ng langis dahil sa giyera ng Russia at Ukraine.
Sa advisory nito noong Sabado, sinabi ng Unioil Philippines na ang presyo ng gasolina ay bababa ng P2.50 hanggang P2.70 kada litro, P2.00-P2.50 sa diesel at P1.70-P1.90 sa kerosene sa Martes, Abril 5.
Ang inaasahang maliit na halaga ng rollback sa presyo ay kinumpirma ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) kasunod ng mabigat na pagtaas ng presyo na ipinatupad nitong mga nakaraang linggo.
Sinabi ng energy sources na medyo nagbaba ng presyo sa lingguhang kalakalan sa global oil prices nang magpasiya si US President Joe Biden na magpalabas ng 180 milyong bariles ng reserbang krudo sa pandaigdigang merkado.
- Latest