‘Pahalik’ sa Nazareno, pwede na
MANILA, Philippines — Muling ibinalik ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo ang tradisyon na ‘pahalik’ sa itim na ‘Nazareno sa unang Biyernes ng buwan ng Abril, kahapon.
Ayon kay Rev. Fr. Danichi Hui, vicar ng Quiapo Church, dakong alas-4 ng madaling araw nang umpisahan ang ‘pahalik’ na magtutuluy-tuloy hanggang sa magsara ang simbahan.
Wala ring limit sa mga deboto na nais mahawakan ang imahen ng Poong Nazareno ngunit may ipinatutupad pa rin naman na ‘safety protocols’ para makatiyak ng kaligtasan ng bawat isa.
Bawal din muna ang pagpahid ng panyo o kahit anong uri ng tela sa imahen dahil hindi ito nadi-disinfect.
Labis namang ikinatuwa ng mga deboto ang pagkakataon na mahawakan ang Itim na Nazareno dahilan para umasa sila na maibalik na ang Traslacion sa Enero ng susunod na taon.
- Latest