^

Metro

NCR mananatili sa Alert Level 1

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
NCR mananatili sa Alert Level 1
Commuters and motorists endure gutter-deep flood at the corner of Taft and U. N. Avenues in Manila following Saturday afternoon's sudden heavy downpour on March 13, 2022.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Mananatili sa Alert Level 1 ang National Capital Region at 47 iba pang lugar sa bansa hanggang Marso 31.

Ayon sa Inter-Agency Task Force,  na bukod sa NCR, Alert Level 1 rin sa Luzon ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at  Kalinga; Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at  Pangasinan; Region II: Batanes, Cagayan, Santiago City,  Isabela at Quirino; Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales; Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City; Region IV-B: Marinduque, Puerto Princesa City at  Romblon; at Region V: Naga City and Catanduanes.

Samantala, sa Visayas, nasa Alert Level 1 na rin sa Region VI ang Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras at Iloilo City; Region VII: Cebu City at Siquijor; at Region VIII: Biliran, Ormoc City at Tacloban City.

Inilagay naman sa Mindanao sa Alert Level 1 ang Region IX: Zamboanga City; Region X: Cagayan de Oro City at Camiguin; Region XI: Davao City; at CARAGA: Butuan City.

Ang mga hindi nabanggit na lugar ay nasa Alert Level 2 simula Marso 16 hanggang Marso 31, 2022.

Nauna nang inirekomenda ng mga alkalde na bumubuo sa Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad na ng Alert Level 0 sa rehiyon. Sinabi ni MMDA General Manager Frisco San Juan Jr., handa na umano ang mga alkalde na ibaba ang alert level sa 0 upang ganap nang mabuksan ang lokal na ekonomiya. Sa kabila ng rekomendasyon, handa naman umano ang mga alkalde na sumunod sa anumang desisyon na ibababa ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

ALERT LEVEL

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with