^

Metro

Vintage bombs nahukay sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Vintage bombs nahukay sa Caloocan
Caloocan City has the third-biggest population among highly urbanized cities.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Nahukay ang hinihinalang mga vintage bomb o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon nang madiskubre ang nasabing ERW sa loob ng Manila Central University Compound sa Morning Breeze St., Brgy. 84 ni Virgilio Lapitan, 44, welder na naging dahilan upang ­ipaalam sa Caloocan Police Sub-Station 5.

Kaagad na rumes­ponde sa naturang lugar ang team ng Caloocan Police Station Explosive and Canine Unit (SECU) sa pangunguna ni PLt. Leo Limbaga, kasama sina PSSg Rowell Agui­ling at PSSg Jojo Basquinas, kapwa EOD technician.

Para ma-secure ang lugar, kinordonan ito nina PSSg Aguiling at PSSg Basquinas saka pinayuhan ang karamihan na maghanap ng ligtas na lugar bago sinuri ang status ng naturang UXO at isinagawa ang render safety procedure sa pamamagitan ng PUCA (Pick up and Carry away) kung saan narekober ang kinakalawang na tatlong unexploded ordnance at apat na exploded ordnance.

Ani PLt. Limbaga, ang naturang unexploded ordnance ay considered na lubhang mapanganib kung saan dinala ito sa SECU-Caloocan police para sa safe keeping bago i-turnover sa RECU-NCR para sa disposal operation.

Kamakailan, may nadiskubre rin na hinihinalang vintage bomb sa isang excavation site sa loob ng Maynilad Compound sa Brgy. 35 ng lungsod.

SECU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with