3 huli sa drug-ops sa Makati
MANILA, Philippines — Tatlong indibiduwal ang swak sa piitan matapos makumpiskahan ng kabuuang ?94,520.00 halaga ng shabu ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police, sa magkahiwalay na operasyon, sa Makati City, kamakalawa.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, P/Brig. General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Michael Neri, alyas Yuli, 21; Mark Arjen Orbon; at Russell Palermo, alyas Bakly, 23.
Sa ulat, unang nadakip sina Neri at Orbon dakong alas-5:40 ng hapon ng Marso 8, 2022 sa J.P. Rizal Ave. corner B. Serrano St., Brgy. West Rembo, nang makabili ng shabu ang mga operatiba sa ikinasang buy-bust operation na nagresulta sa pagkasamsam ng 11.10 gramo ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na ?75,480.00.
Habang si Palermo naman ay naaresto dakong 8:45 ng gabi sa Kalayaan Ave., Barangay West Rembo , sa hiwalay na buy-bust operation, na nasamsaman ng 3.8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?19,040.00.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 1965 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
- Latest