^

Metro

‘B2B’ umarangkada sa Quezon City para kay Joy Belmonte at BBM

Pilipino Star Ngayon
�B2B� umarangkada sa Quezon City para kay Joy Belmonte at BBM
Inilunsad kahapon ang B2B sa QC para isulong ang Mayor Joy Belmonte at Bongbong Marcos tandem na naglalayong paunlarin pa ang lungsod. Pinangunahan ni Brgy. Laging Handa chairman Mari Rodriguez ang aktibidad kasama ang daan-daang B2B members.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Daan-daang supporters nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at frontrunner presidential candidate Bongbong Marcos ang naglunsad ng “B2B” na naglalayong isulong ang kandidatura ng dala­wang personalidad para sa kaayusan at kaunlaran ng  bansa.

Sa pamumuno ni Brgy. Laging Handa Chairman Mari Rodriquez, nagsanib-puwersa ang dalawang kampo ng Solid BBM at Solid Joy Belmonte para mas lalo pang palakasin ang kombinasyon ng dalawang prominenteng lider.

Ayon kay Rodriguez, ang mga nagawa ni Belmonte para sa Quezon City ay mas lalong masusuportahan ng national government sa ilalim ng BBM presidency.

Sa ngayon, si Belmonte ay nangunguna rin sa lahat ng pre-election survey na may 63% laban sa katunggali nitong si Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor na may 25%.

Kabilang sa Solid B2B group ay ang mga kasalukuyang barangay officials ng lungsod, mga dating opisyal, mga fire volunteers, mga TODA members at iba’t ibang people’s organization.

Tiniyak ni Rodriquez ang paglulunsad ng iba pang pagkilos sa mga dara­ting na araw ay upang lalo pang palakasin ang B2B na pormal inilunsad sa Quezon City Memorial  Circle.

vuukle comment

BBM

JOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with