Dolomite Beach project, itutuloy ng bagong DENR secretary
MANILA, Philippines — Nangako ang bagong Environment Secretary Jim Sampulna na ipagpapatuloy niya ang Dolomite Beach project ng pamahalaan dahil ito ay kanyang commitment kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“We can now see the beauty of Manila Bay. Maybe only around 500-600 meters of the Manila Bay is yet to be laid down with dolomite sand. I intend to continue that project because that is our commitment to our dear President,” pahayag ni Sampulna.
Ang pahayag ni Sampulna ay ginawa kahit pa may banta ang mga health expert na may epekto sa respiratory system ang crushed dolomite kapag nasinghot.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Sampulna na magpapatuloy din ang rehabilitasyon sa Boracay beach kasabay ng patuloy na pagbabawal sa paggamit ng single plastic.
Si Sampulna ay pumalit sa posisyon ni dating DENR Secretary Roy Cimatu makaraang magbitiw ang huli dahil sa isyung pagkalusugan.
- Latest