Alert level 1, ‘wag muna – PHAPI
MANILA, Philippines — Hiniling ng Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) sa pamahalaan na maghintay muna ng dalawa pang linggo at subaybayan ang trend ng COVID-19 bago ilagay sa Alert level 1 ang National Capital Region.
Ang pahayag ay ginawa ng samahan bilang reaksyon sa mga ulat na dapat nang ilipat sa Alert Level 1 category ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID.
Ayon sa samahan, oras na mailipat sa mas maluwag na alert level ang rehiyon maaaring isantabi ng mga tao dito ang pagsunod sa itinakdang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.
Anila, kailangang alamin muna ang magiging sitwasyon sa NCR sa susunod na dalawang linggo bago mag-shift ng alert level 1 category.
Gayunman, ayon sa PHAPI kung ilalagay na ng IATF sa alert level 1 category ang Metro Manila ay ito naman ay kanilang susundin.
- Latest