^

Metro

Granada, sumambulat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Granada, sumambulat
Batay sa report kay Que­zon City Police District (QCPD) Director PBGen. Remus Medina, lumilitaw na dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maganap ang pagsabog ng granada sa Block 30, Lot 19, Salubong St., Brgy. Greater Lagro, Quezon City.
Image by D Alyansyah from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang granada ang sumabog sa isang lugar sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Nabatid na ang pagsa­bog ng naturang granada ay nagdulot ng takot at tensiyon sa mga residente sa lugar.

Batay sa report kay Que­zon City Police District (QCPD) Director PBGen. Remus Medina, lumilitaw na dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maganap ang pagsabog ng granada sa Block 30, Lot 19, Salubong St., Brgy. Greater Lagro, Quezon City.

Kaagad namang rumes­ponde sa lugar ang mga tauhan ng District Explosive Ordnance Disposal (EOD) at Canine Unit ng QCPD sa pamumuno ni PCpt. Arvin J Dimailig.

Ayon kay Dimailig, isang nakaparadang sasakyan ang napinsala dahil sa pagsabog.

Nakarekober din sila ng nagkalat na mga metal fragments sa kalye, gayundin ng safety lever, fuze assembly at ilang serrated fragments na posible anilang mula sa sumabog na granada.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigahan ang mga awtoridad upang matukoy kung sino ang mga taong sangkot sa insidente.

GRANADE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with