^

Metro

Mga barangay chairman na sasama sa kampanya ng national candidates, binalaan ng DILG

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mga barangay chairman na sasama sa kampanya ng national candidates, binalaan ng DILG
Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Remus Medina ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pamumuno ni PMAJ Loreto Tigno, hindi pa nakikilala ang mga suspek, na ang isa ay nasa 30-35 anyos, may taas na 5’4”, naka-puting t-shirt, pulang short, black gray na sumbrero, at itim na face mask, habang ang isa pa ay 35-40-anyos, 5’2” ang taas, nakasuot ng pula at itim na sando, brown short, itim na sombrero at tsinelas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagbabala si Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño sa lahat ng mga barangay chairman na iwasang sumama sa mga  kampanya at motorcades ng mga national candidates dahil maaaring kasuhan ang mga ito.

Sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Diño na dapat na pairalin ng mga kapitan ng barangay ang non-partisan at hayaang ang mga kandidato ang manuyo at mangampanya sa mga botante.

Ayon kay Diño, tungkulin ng mga barangay officials na siguraduhin na sumusunod sa kanilang  regulasyon ang mga kandidato at hindi gagawa ng  gulo sa kanilang nasasakupan.

Aniya, maaa­ring ka­suhan ang mga chairman sakaling may mag­reklamo at mapatuna­yan ang akusasyon. Hindi dapat na impluwensiyahan ng mga barangay officials ang kanilang mga nasasakupan dahil may kalayaan ang bawat isa na mamili ng kanilang  iboboto.

vuukle comment

MARTIN DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with