^

Metro

Incumbent Mayors sa NCR, tuloy ang pangunguna sa survey

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Incumbent Mayors sa NCR, tuloy ang pangunguna sa survey
In this July 25, 2019 photo, some Metro Manila mayors and officials of the Metro Manila Development Authority and Department of Interior and Local Government meet ahead of the Metro Manila Council meeting.
Manila PIO / Released

MANILA, Philippines — Patuloy ang pamamayagpag sa survey ng mga kasaluku­yang Alkalde sa National Capital Region (NCR).

Sa latest survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) nitong Enero 22-30 ng taong kasalukuyan ay karamihan sa mga nanunungkulan sa Metro Manila na tumatakbong muli sa election o sa ibang posisyon ay nananatiling pinakagustong kandidato ng mga botante.

Sa Quezon City, si Mayor Joy Belmonte pa rin ang top choice dahil sa mahusay na pamamahala na nakakuha ng 65 porsiyento ng boto kumpara sa 32 porsiyento ni Rep. Mike Defensor sa karera para sa alkalde ng lungsod. Tumaas pa ng 3% ang score ni Belmonte, samantalang -2% naman ang ibinaba ni Defensor.

Sa Navotas ay humataw muli ang magkapatid na sina Mayor Toby ­Tiangco (87%) na tumatakbo para sa pagka-Kongresista at Cong. Rey Tiangco (83%) sa pagka-alkalde habang ang mag-amang Gardy Cruz (10%) at RC Cruz (11%).

Sa Caloocan City, kumbinsido ang mga botante para sa “Team Malapitan” kaya si Rep. Along Malapitan na tatakbo para sa Mayor ay nagtala ng mataas na 73% rating kumpara kay Rep. Egay Erice na nakakuha ng 26% percentage points. Sina Mayor Oca Malapitan (87%) at Dean Asistio (69%) ay namamayagpag din laban kina Alou Nubla (11%) at Recom ­Echiverri (25%), ayon sa pagkakasunod.

Si Rep. Ruffy Biazon naman ang nangunguna para sa local chief executive position ay nakakuha ng napakataas na 71% ng boto sa Muntinlupa City kumpara kay Marc Red Marina sa 28%.

Sa Pasig City, 68% ng mga respondent ang tumataya kay incumbent Mayor Vico Sotto, samantalang 31% lamang ang nagsabing susuportahan nila si Vice Mayor Iyo Bernardo.

Si Vice Mayor Honey Lacuna sa Maynila ay umabot sa 57% ng boto samantalang si dating Rep. Amado Bagatsing ay nakakuha ng 30% at Alex Lopez 11%.

Karagdagang frontrunners ay ang mga incumbents na sina Mayor Abby Binay ng Makati City (95%), Imelda Aguilar ng Las Piñas (89%), Ike Ponce III ng Pateros (82%), Francis Zamora ng San Juan (88%), Emi Calixto Rubiano ng Pasay (76%), at Marcy Teodoro ng Marikina (55%).

Ang iba pang nangu­nguna ay sina Benjamin Abalos Sr. sa Mandaluyong (92%), Rep. Weslie Gatchalian ng Valenzuela (90%), Rep. Eric Olivarez ng Parañaque (70%), Rep. Lani Cayetano ng Taguig (66%), at Jeannie San­doval (52%) sa Malabon.

MAYORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with