^

Metro

MMDA walang papanigan sa motorcade policy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MMDA walang papanigan sa motorcade policy
“Lahat yan applicable sa lahat yang policy na iyan. Rest assured na wala tayong pinapanigan dito,” ani MMDA officer-in-charge Romando Artes sa TeleRadyo ng ABS-CBN.
Photo shows the BBM-Duterte Uniteam motorcade and culminating program on December 8, 2021.

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na istrikto at patas ang pagpapatupad nila ng polisiya para sa lahat ng mga kandidato na planong magsagawa ng motorcade sa mga pa­ngunahing lansangan sa National Capital Region.

“Lahat yan applicable sa lahat yang policy na iyan. Rest assured na wala tayong pinapanigan dito,” ani MMDA officer-in-charge Romando Artes sa TeleRadyo ng ABS-CBN.

Paglilinaw niya, kahit pa ang kandidato kung saan campaign manager si dating MMDA chairman Benhur Abalos ay hindi rin factor upang mabago ang pagpapatupad nila ng polisiya.

Si Abalos ay nagbitiw bilang MMDA chair noong nakaraang Lunes upang bigyang daan ang pagi­ging campaign manager ni presidential aspirant Bongbong Marcos.

Paliwanag pa ni Artes, hindi rin naman traffic enforcers ng MMDA ang magpapatupad ng pagtitiket sa mga violators ng caravan o motorcade kungdi ang sistema ng MMDA Metrobase na ‘no contact apprehension’ at katunayan ay ilang kandidato na ang natiketan, bagama’t di binanggit kung sinu-sino at ilan na.

Sa ilalim ng MMDA guidelines, ang campaign caravans at motorcades ay maaari lamang isagawa tuwing weekends mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga.

Unang hakbang ng kampo ng isang kandidato ay makipag-ugnayan sa MMDA at kailangang single lane lang ang kanilang ookupahin.

MMDA

MOTORCADE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with