^

Metro

Pagbabakuna vs COVID-19 sa edad 5-11, pinapipigil sa korte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna vs COVID-19 sa edad 5-11, pinapipigil sa korte
A teenage boy receives a BioNtech-Pfizer COVID-19 vaccine during the inoculation of the population aged 12 to 17 at a stadium in San Juan City, suburban Manila on November 3, 2021.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ipinatitigil  ng dalawang magulang sa Quezon City  Regional court   ang planong pagbabakuna sa mga kabataan may edad  5 hanggang 11- anyos.

Sa isinampang petisyon   sa QC court nina Dominic Almelor, dating reporter ng  ABS-CBN at na may  7-anyos na anak  at Girlie Samonte,  ina ng dalawang minors na may edad 7 at 9 na, dapat ipahinto  ng korte ang pagbabakuna  sa naturang mga minors dahil ito anila ay unconstitutional.

Kinuwestyon ng mga  petitioners ang  circular ng Department of Health  na nagsasaad na mabakunahan ang mga  batang may edad 5 hanggang 11-anyos.

Nais ng dalawang magulang na makuha ang paliwanag ng pamahalaan kung bakit kailangang mabakunahan ang mga bata kontra COVID-19.

Ikinatwiran ni Almelor  ang kanyang karanasan bilang journalist habang si  Samonte na may naisampang kasong kriminal at sibil laban sa pamahalaan laban sa naging karanasan ng anak sa  Dengvaxia vaccine rollout.

Ani Almelor, masyadong bata ang kanyang 7 -anyos na anak para malampasan ang epekto ng bakuna.

Sina Almelor at Samonte na pawang kliyente ng Public Attorney’s Office ay nagsabing ang pagbabakuna ay hindi mandato ng batas. Anila wala ring garantiya na ang bakuna ay  makapagliligtas sa mga respiratory diseases.

Naniniwala sina Almelor at Samonte na may matinding epekto sa kalusugan ng tao  ang paggamit ng COVID-19 vaccine.

DOMINIC ALMELOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with