^

Metro

1st blood bank sa Quezon City, bukas na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
1st blood bank sa Quezon City, bukas na
Officials and members of the Philippine Red Cross check on the donors during the blood letting activity at the opening of the first ever Red Cross Blood Bank in Greater Fairview, Quezon City on Thursday.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Bukas na ngayon para magserbisyo sa publiko  ang kauna unahang Blood bank station ng Philippine National Red Cross sa  Quezon City.

Ito ay makaraang personal na pangunahan ni QC 5th district  Councilor PM Vargas, head ng Red Cross Novaliches branch kasama si Congressman Alfred Vargas ang kauna unahang Blood Bank ng District 5 Quezon City na matatagpuan sa Pamilyang Malusog Building sa Barangay Hall Compound ng  Greater Fairview Quezon City.

Ang gusali ay naitayo  sa inisyatiba ni Councilor  PM  Vargas.

Anya, napapanahon ang  pagbubukas ng blood bank  dahil sa rami ng tao na nangangailangan ng suplay ng dugo. Handa rin ang Red Cross na tumanggap ng blood donors para sa kabubukas na blood bank.

Nakiisa sa okasyon ang mga opisyal ng barangay Fairview sa pangunguna ni Chairman Joenel Quival at QC Red Cross OIC Janice Adolfo.

Ang Blood bank ay  libreng magseserbisyo sa lahat  ng mamamayan sa lungsod.

Sa pagbubukas ng Blood bank ay may mahigit 10 katao agad  ang nagdonate  ng kanilang dugo para maka­tulong sa mga nangangailangan nito.

BLOOD BANK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with