Libreng flu vaccines sa San Juan sa Enero 27
MANILA, Philippines — Magkakaloob ang San Juan City government ng libreng flu vaccines para sa mga San Juaneños bukas Enero 27, 2022.
Ang magandang balita ay inianunsiyo mismo ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa kanyang social media accounts kahapon.
Ayon kay Zamora, isasagawa ang pagbabakuna sa mga residente sa lahat ng barangay mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Multipurpose Hall ng Barangay Kabayanan.
Batay sa isang public advisory na ibinahagi ni Zamora, maaaring i-administer ang bakuna sa mga residenteng 5-taong gulang pataas.
Gayunman, kailangan aniyang mayroong 2-weeks interval o dalawang linggong pagitan ito mula sa COVID-19 vaccination o booster shot.
Sinabi rin ni Zamora na prayoridad nilang mabigyan nito ang mga senior citizens at persons with comorbidities.
Magpapatupad rin aniya sila ng ‘First Come, First Served’ basis sa pagbabakuna.
Kailangan lamang aniya na magdala ng mga nais mag-avail ng bakuna ng government-issued ID na may address sa San Juan.
- Latest