^

Metro

2 huli sa gun ban

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 huli sa gun ban
Nadakip dakong alas-11:30 ng gabi sa may Rodriguez Street sa Brgy. 159 Malibay, Pasay ang 23-anyos na suspek na si Jonathan Lacaba, isang meka­niko. Ito ay makaraang isang residente ang tumawag sa Malibay Sub-Station sa presensya ng isang lalaki na nakitaan ng baril.
STAR / File

MANILA, Philippines —  Huli ang dalawang lalaki dahil sa paglabag sa ipinatutupad na ‘election gun ban’ nang mabuko  na may bitbit na baril sa magkahiwalay na insidente sa Pasay at Muntinlupa City ka­makalawa.

Nadakip dakong alas-11:30 ng gabi sa may Rodriguez Street sa Brgy. 159 Malibay, Pasay ang 23-anyos na suspek na si Jonathan Lacaba, isang meka­niko. Ito ay makaraang isang residente ang tumawag sa Malibay Sub-Station sa presensya ng isang lalaki na nakitaan ng baril.

Nang kapkapan, isang baril na kinalaunan ay nadiskubreng replica lamang ang nakumpiska sa suspek.  Sa kabila nito, kakasuhan pa rin siya ng paglabag sa gun ban at kasong Threat.

Nagpapatrulya sa may Phase 3 Southville 2 sa Poblacion, Muntinlupa ang mga tauhan ng Poblacion Sub-Station nang matiyempuhan ang isang lalaki na may bitbit na baril. Kinilala ang suspek na si Ricky Leuterio, 22.

Nasabat sa suspek ang isang kalibre .38 baril na may dalawang bala na nakasukbit sa kaniyang tagiliran.  Sinampahan na rin siya ng kaukulang kaso at nakaditine sa Muntinlupa Police Detention Center.

RODRIGUEZ STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with