^

Metro

Bahagi ng Roxas Boulevard isasara

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bahagi ng Roxas Boulevard isasara
Sa inilabas na abiso ng Manila Traffic and Enforcement Unit, uumpisahang isara ang naturang bahagi ng Roxas Blvd. dakong alas-6 ng umaga. Dito naglabas ng ‘traffic-rerouting’ ang mga awtoridad.
STAR/File

Ngayong Rizal Day

MANILA, Philippines — Isasara sa trapiko ngayong Huwebes (Disyembre 30) ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang TM Kalaw Avenue upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng pagkamartir ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Sa inilabas na abiso ng Manila Traffic and Enforcement Unit, uumpisahang isara ang naturang bahagi ng Roxas Blvd. dakong alas-6 ng umaga. Dito naglabas ng ‘traffic-rerouting’ ang mga awtoridad.

Ang mga sasakyang mula sa Bonifacio Drive na dadaan sa southbound lane ay kailangang kumaliwa sa P.Burgos Avenue, kanan sa Ma.Orosa St., kanan sa TM Kalaw Avenue, kaliwa sa MH del Pilar St., kanan sa UN Ave, hanggang sa kanilang destinasyon.

Ang mga trailer trucks mula sa Delpan Bridge- Pier Zone ay kailangang kumaliwa sa P.Burgos Ave., diretso sa Finance Road-Ayala Avenue, kanan sa San Marcelino St., hanggang sa kanilang destinasyon.

Lahat ng  maliit na sasakyan na babaybay sa northbound lane ng Roxas Blvd. ay kailangan namang kumanan sa P.Burgos Ave., diretso sa Finance Road-Ayala Avenue, kanan sa San Marcelino St., hanggang sa kanilang destinasyon.

Ang mga trailer trucks/heavy vehicles na dadaan ng northbound lane ng Roxas Blvd. mula P.Ocampo St. ay dapat kumanan sa Pres. Quirino Ave. hanggang marating ang kanilang destinasyon.

Nagtalaga naman ng tig-isang lane na parking area sa Katigbak Drive, South Drive, TM Kalaw Westbound at Service Road ng Roxas Blvd. para maparadahan ng mga dadalo sa okasyon.

ROAD CLOSURE

ROXAS BOULEVARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with