^

Metro

Face shield ‘di pa irerekomenda ng OCTA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Face shield ‘di pa irerekomenda ng OCTA
Commuters sport face shields as they walk past an LRT Line 1 coach with mask and face shield promotional ads in Manila on November 3, 2021.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Hindi pa rin inirerekomenda ng OCTA Research Group ang paggamit ng face shields sa kabila nang namonitor na bahagyang pagtaas sa positivity rate ng COVID sa National Capital Region (NCR) at banta ng Omicron variant.

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na mairerekomenda lamang nila ang paggamit nito kung may nagaganap nang biglaang pagtaas o surge sa mga kaso ng COVID-19.

“During a surge naman, sinupport naman namin yung paggamit ng face shield dahil siguro kahit papaano baka may added layer of protection ‘yan. Pero in a non-surge situation pwede naman alisin ‘yan.

Sa ngayon, hindi pa naman siguro kailangan iyan. Malayo pa naman tayo umabot sa medyo malalang surge sa ngayon kahit na magkaroon ng uptick kasi napakababa ng bilang ng kaso natin,” dagdag niya.

Unang sinabi ni David na may bahagyang pagtaas sa positivity rate sa Metro Manila pero maaaring dulot umano ito ng mga selebrasyon.  Hindi naman umano makikita ang tunay na sitwasyon ngayong Disyembre dahil sa mababang output sa mga testing.

FACE SHIELD

OCTA

OMICRON VARIANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with