^

Metro

No.1 most wanted sa Samar nalambat sa Malabon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad ang no. 1 provincial top most wanted person dahil sa kasong rape sa Eastern Samar sa isina­gawang manhunt operation sa Malabon City .

Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) chief PLTCOL Jay Dimaandal kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr,  nakilala ang akusado na si Christian Quilim, 42, tubong Eastern Samar at residente ng David Santos St., Malabon City.

Ayon kay DSOU investigator PCPL Josefino Estacio II, nakatanggap ang DSOU ng impormasyon mula sa impormante ng NDIT, RIU NCR na nakita ang akusado sa San Agustin St., ng nasabing lungsod na naging dahilan upang mag-dispatch ng mga operatiba sa lugar si Lt. Col. Dimaandal.

Nang magpositibo ang impormasyon, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PLT Melito Pabon, PMSg Eleazer Lazaro, PCpl Arby John Figueroa at PCpl Luigi Dela Cruz, kasama ang NDIT- RIU NCR at HPG-NPD na nagresulta sa pagkakaaresto sa kay Quilim dakong alas-2:50 ng hapon sa San Bartolome Church sa San Agustin Street.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Filotea Estorninos, Presiding Judge ng RTC 8th Judicial Region Dolores Eastern Samar  nalambat si Quilim sa kasong Rape at walang inirekomendang piyansa.

Batay sa record, sinabi ni PLt. Pabon, nangyari ang insidente ng panghahalay noong 2005 sa Brgy. Carolina, Can Avid, Eastern Samar matapos umanong lasingin ng akusado ang 17-anyos na biktima na itinago sa pangalang Katrina.

NADAKIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with