^

Metro

Kelot ipinagyabang ang shabu sa kapwa pasahero, kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kelot ipinagyabang ang shabu sa kapwa pasahero, kalaboso
Sinabi sa pulisya ng babaeng pasahero sakay siya sa bus at katabi ang suspek patungo sa Parañaque Integrated Terminal Exchange sa Parañaque City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang lalaki makaraang magpakita ng hinihinalang shabu sa pasaherong babae sa loob ng isang bus sa Makati City, nitong Lunes.

Sinabi  sa pulisya ng babaeng pasahero sakay siya sa bus at katabi ang suspek patungo sa Parañaque Integrated Terminal Exchange sa Parañaque City.

Balisa umano ang suspek hanggang sa maglabas ng isang plastic sachet na may lamang puting pinulbos na kristal na hinihinalang shabu at tila inaalok siya.

Dito nagsisigaw ang babae at humingi ng saklolo. Nagkataon na may apprentice ng Philippine Coast Guard (PCG) na pasahero rin na sumaklolo at umaresto sa suspek.

Pagsapit sa may Guadalupe sa Makati City, ibinaba ang suspek at isinuko sa himpilan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) para maimbestigahan.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek sa Prosecutors Office.

vuukle comment

GUADALUPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with