^

Metro

Tsinoy kalaboso sa marijuana, ecstasy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tsinoy kalaboso sa marijuana, ecstasy
Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District-District Traffic Enforcement Unit (MPD DTEU) ang isang Tsinoy na nauna nang tumakas sa mga awtoridad sa isang maikling habulan hanggang sa masabat ito sa may paanan ng Ayala Bridge sa Maynila kung saan nasamsam sa loob ng kanyang sasakyan ang ‘kush’ or high grade marijuana kahapon
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang Filipino Chinese makaraang makorner ng mga pulis sa isang ha­bulan dahil sa pagdadala ng iligal na kush marijuana at ecstasy, kahapon ng umaga sa San Miguel, Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Onemiguel Tan, 23-anyos, ng Pacheco Ext. St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, unang nasita si Tan ni PCpl Marphil Canlas dahil sa paghinto ng sasakyan sa may kanto ng Ro­xas Blvd. at Katigbak St., sa Ermita dakong alas-8:30 ng umaga na nagdudulot ng pagsikip ng trapiko.

Nang buksan ni Tan ang bintana ng kaniyang kotse, naamoy ni Canlas ang marijuana sa loob nito at nakita ang dalawang plastic sachet sa pagitan ng hita ng suspek.

Dito pinasibad ng suspek ang kaniyang kotse kaya nagkaroon ng habulan hanggang sa makorner si Tan sa may kanto ng P. Casal at Solano Streets.

Nakumpiska sa kaniya ang nasa 20 gramo ng Kush marijuana na nagkakaha­laga ng P2,400.00, at isang tableta ng ecstasy na may ha­lagang P1,200.00. Kinum­piska rin ang minamaneho niyang asul na Honda Jazz at pera na nagkakahalaga ng P80,500.00.

Nakaditine na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

FILIPINO CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with