Kelot nagbigti sa underpass
MANILA, Philippines — Natagpuang nakabigti sa Andalucia Underpass sa Sampaloc, Maynila ang isang 26-anyos na lalaki kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Roberto Divinagracia, isang helper, residente ng Alley F Telecom Compound, Brgy. 310, Sta.Cruz, ng naturang lungsod.
Batay sa ulat ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang makatanggap sila ng ulat na isang lalaki ang natagpuang nakabigti sa Andalucia Underpass sa northbound ng Quezon Blvd. sa Sampaloc.
Ayon sa mga pulis, inabutan pa nila na naghihingalo ang biktima kaya agad nilang kinalagan saka mabilis na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Sa kabila nito, idineklarang wala nang buhay nang makarating sa pagamutan ang biktima.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, lasing umano ang biktima nang huling makita sa lugar. Galing umano ito sa isang beerhouse kung saan siya nagpakalango.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang MPD-Homicide Section para makumpirma kung meron o walang foul play na naganap sa pagkamatay ng biktima.
Kelot nagbigti sa underpass
Danilo Garcia

- Latest