SK Federation 2nd general assembly sa Caloocan, tagumpay
MANILA, Philippines — Tagumpay ang isinagawang 2nd general assembly ng Sangguniang Kabataan Federation (SKF) na dinaluhan ng nasa 156 SK Chairman sa Caloocan City kamakalawa .
Ang naturang event ay sinaksihan nina Director Marco Cabuenos ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Caloocan at COA-Caloocan sa pamumuno ni Ms. Leah C. Bernardino.
Nabatid na nasa 142 SK Chairman, budget officers at treasurer naman ang dumalo sa face-to-face ‘training workshop’ patungkol sa ‘Financial Transaction of the Sangguniang Kabataan’ sa Caloocan Sports Complex .
Nagbigay pagpugay si Cabuenos sa pamunuan ni SK Fed President Councilor Vince ‘ConVINCEd’ Hernandez. Aniya, pagpapakita lamang ito ni Hernandez ng kanyang kahandaan na pamunuan, sagutin at bigyan solusyon ang mga problema sa mga kabataan.
Para kay Hernandez, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa kanyang mga kapwa opisyal sa SK Fed, gayundin ang mga kapwa SK chairpersons.
Nanawagan naman si Hernandez sa mga kasamahang SK officers na paigtingin lalo ang kampanya sa bakuna at tumulong na rin sa pag-coordinate hinggil sa nalalapit na face-to-face class sa Caloocan.
“Malaking tulong po tayo sa paghihikayat sa mga kabataang hindi pa rin nagpapabakuna at ang masinsinang koordinasyon natin sa mga eskuwelahan at magulang para maging ligtas ang nalalapit na pagbubukas ng face-to-face class sa Caloocan,” ani pa ni Hernandez.
- Latest