^

Metro

Naka-granular lockdown sa Metro Manila, 1 na lang – PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Naka-granular lockdown sa Metro Manila, 1 na lang – PNP
A sign warning people not to enter the Pasay City Sports Complex is seen at the entrance on Sept. 3, 2021 as it was converted into one of the isolation facilities of the local government to augment the overwhelmed hospitals in the city.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na iisang lugar na lamang sa Metro Manila ang naka-granular lockdown bunsod ng COVID-19 pande­mic.

Nakasaad sa datos ng PNP na isang residential building na may 22 katao sa Quezon City ang naka-lockdown. Matatandaang umabot sa 200 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa lockdown dahil sa Delta coronavirus variant.

Nabatid na napilitan ang mga PNP na magpakalat at magtalaga ng mga pulis at force multipliers sa ilang mga area of concerned upang matiyak na nasusunod ang mga health protocols.

Umaasa naman ang PNP na matatanggal na rin sa granular lockdown ang lugar sa mga susunod na araw. Kailangan lamang na tiyakin ang mga pamantayan at regulasyon ng Inter-Agency TaskForce (IATF).

GRANULAR LOCKDOWN

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with