^

Metro

Imbestigasyon sa Bree Jonson case, natigil - DOJ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pang bagong deve­lopment sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng visual artist na si Bree Jonson dahil natigil ito sa ilang kadahilanan.

Isa dito ang aplikasyon sa search warrant upang makakuha ng forensic evidence na naka-pending pa aniya sa korte dahil naka-bakasyon ang hukom.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra   na “ the NBI investigation has been stalled. Our agents have a pending application for search warrant to secure forensic evidence (the judge is on extended leave).They are also waiting for the PNP response to their requests for clarification on the PNP’s DNA report.”

Matatandaang natagpuan si Jonson noong Setyembre 18, 2021 sa La Union hostel  kung saan siya namalagi at ang boyfriend na si Julian Ongpin, ang anak ng  business tycoon na si  Roberto Ongpin.

Si Ongpin ay kasalukuyang iniimbestigahan kaugnay sa pagkamatay ni Jonson dahil siya ang huling nakasama nito bago matagpuang walang buhay ang huli.

Si Ongpin ay ipinagharap din ng mga awtoridad ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002 matapos makarekober sa kanilang silid ng 12 gramo ng cocaine.

Gayunman,  noong nakalipas na buwan ay naibasura agad ang kaniyang kaso dahil sa kabiguan umano ng mga pulis na sundin ang chain of custody requirements sa ilalim ng Section 21 ng RA 9165 0 Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Umapela naman ang prosekyusyon na ma-reconsider ang naging kautusan ng korte sa nasabing drug case.

BREE JONSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with