BuCor: Nuezca hinihinalang na-heart attack
MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang heart attack ang ikinasawi ni P/Master Sergeant Jonel Nuezca, ang convicted killer ng mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio sa Tarlac noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag walang nakitang external injuries sa katawan ni Nuezca sa initial findings ng mga medical personnel.
Gayunman sasailalim pa umano ito sa autopsy para matiyak ang sanhi ng kanyang pagkasawi.
“Hopefully this week kasi gusto naming magkaroon ng resolusyon na itong kasong ito kasi may mga nagsasabing baka hindi raw namatay, ’yung iba naman sabi pinatay.
So to rule out foul play and to rule out rumors ay gusto naming mabilis na matapos ’yung final investigation report ng National Bureau of Investigation (NBI) at mailabas natin sa public kasi alam namin public interest ito”, dagdag pa ni Chaclag.
Nadiskubreng walang malay si Nuezca noong Martes (Nob. 30) ng kaniyang cell mates sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison NBP).
Matatandaang hinatulang guilty at reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkabilanggo ng Paniqui, Tarlac Regional Trial Court Branch 106 si Nuezca sa pagpatay sa mag-inang Gregorio.
- Latest