Technician, itinumba sa kalsada
MANILA, Philippines — Patay ang isang technician makaraang tarakan ng patalim sa dibdib ng ‘di pa kilalang salarin sa Quezon City kahapon.
Nakilala ang biktima na si Danilo Baldos, 52, ng Malakas St., Brgy. Pinyahan, QC.
Lumilitaw sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), na dakong alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa harapan ng 28 Malakas St., Brgy. Pinyahan, sa lungsod.
Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-6:30 ng hapon kamakalawa, habang kumakain sa sidewalk sa nasabing lugar kung saan siya natagpuang patay.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang malaman ang motibo sa krimen at matukoy kung sino ang may kagagawan nito.
- Latest