Higit 177K gumaling sa COVID-19 sa Quezon City
MANILA, Philippines — Nasa 98.73 percent o 177,259 ang gumaling sa COVID-19 sa Quezon City.
Ayon sa City epidemiology and Surveilance Unit (CESU), ang naturang bilang ng mga gumaling ay mula sa 179,526 kabuuang nagpositibo sa virus sa lungsod.
Umaabot naman sa 656 ang mga active cases.
Kaugnay nito, inanunsyo ng lokal na pamahalaan na bukas na para sa mga kabilang sa A1 priority groups o health care workers at medical frontliners para makapagbakuna ng booster shots.
Kailangan lamang magrehistro ang mga ito sa QC VAx Easy Plus para mabigyan ng takdang petsa at lugar kung saan mababakunahan.
Patuloy na ipinagbabawal ang walk-in sa lahat ng vaccination sites.
- Latest