^

Metro

Negosyo na pasaway sa capacity limit, vax card isasara - DILG

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Negosyo na pasaway sa capacity limit, vax card isasara - DILG
Ang safety seal ay kaila­ngan na nakapaskil sa public at private establishments o gusali para patunay na sumusunod sa health protocols laban sa Covid-19. Maaa­ring mawala ang safety seal gayundin ang additional 10 percent capacity, operational capacity.
Michael Varcas/ File

MANILA, Philippines — Nagbabala si Interior Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na ipasasara nila ang mga establisimyento kung paulit-ulit ang masusumpungang pag­labag ng mga ito sa  ipinatutupad na health protocols.

Ayon kay Malaya, maaa­ring mapawalang-bisa ang safety seals at masuspinde ang business permit ng mga establisimyentong hindi ta­talima sa health at safety protocols.

Ang safety seal program ay isang inter-agency initiative ng DILG, Department of Health, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, at Department of Tourism.

Aniya, kapag ang isang establisimyento ay may “repeated violations” sa gitna ng banta ng COVID-19, hindi sila nagdadalawang  isip na ipasara ito dahil nagdudulot lamang ito ng  pangamba sa publiko.

Nakarating sa kaalaman ng DILG ang mga paglabag sa operational capacity limit at pagkabigo na magpatupad ng fully vaccinated requirement sa loob ng mga establisi­myento gaya ng restaurants, amusement parks, recreatio­nal venues, fitness studios, at gyms, at iba pa.

Nabatid kay Malaya na personal niyang naobserba­han ang kawalan ng paggalang ng mga establisimyento sa minimum public health standards at iba pang guidelines sa ilalim ng alert level system.

“Many restaurants and indoor establishments are not checking the vaccination status of their customers and are violating the 50 percent operational capacity for indoor establishments and 70 percent operational capacity of outdoor establishments,” ani  Malaya.

Paglilinaw ni Malaya, hindi naman maaaring maging kampante ang publiko bagamat bumababa ang kaso. Mas dapat na ituloy ang pag-iingat upang  matapos na ang pandemya.

Ang safety seal ay kaila­ngan na nakapaskil sa public at private establishments o gusali para patunay na sumusunod sa health protocols laban sa Covid-19. Maaa­ring mawala ang safety seal gayundin ang additional 10 percent capacity, operational capacity.

Oobligahin niya ang lahat ng local government units at ang Philippine National Police na magsagawa ng inspeksyon sa mga establisimyento upang matiyak na sumusunod ito sa Covid-19 guidelines at para sa LGUs na magpalabas ng show cause orders laban sa mga lalabag.

Hinikayat din nito ang publiko na magreport ng mga lalabag sa health at safety protocols.

JONATHAN MALAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with