Higit 50 empleyado ng Pasay City hall nalason sa pansit
MANILA, Philippines — Mahigit sa 50 empleyado ng Pasay City Hall at ilang miyembro ng kanilang pamilya ang iniulat na nalason sa kinaing pansit-Malabon.
Ayon sa ulat, nakaranas nang pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga nakakain ng pansit na inorder sa isang ‘di binanggit na restaurant.
Wala naman umanong okasyon kundi isang indibiduwal umano ang nagblow-out para sa meryenda.
May apat na ospital ang pinagdalhan sa mga biktima na nasa maayos nang kalagayan.
Binanggit pa na may mga natirang pansit kaya ibinalot at inuwi ng ilang empleyado dahilan upang malason din ang kanilang kaanak.
Iniimbestigahan pa ng City Health Office ang insidente na naganap sa loob ng Pasay City Hall.
- Latest