^

Metro

Alert Level 2 sa Metro Manila, hirit ni Abalos

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Alert Level 2 sa Metro Manila, hirit ni Abalos
People wearing face masks and shields to protect themselves against the COVID-19 coronavirus cross a street in Manila on September 7, 2021.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Inihihirit ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) chairman Benhur Abalos na muling pag-aralan sa paglipas ng isang linggo kung posible nang ilagay sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay Abalos ito ay dahil sa 7.4% na daily attack rate ng COVID-19 cases na lamang ang Metro Manila, batay  sa ebalwasyon ng Department of Health sa two-weeks data, na hindi naman pumasok sa requirement percentage na 7%.

Apela niya, sa halip na dalawang linggo, gawin na lamang na isang linggo ang reassesment.

“Ang dinudulog ko nga if it’s possible, imbes na two weeks, maghintay ng two weeks, baka in one week mag-7% baka lang pupuwede i-alert level 2 na once we attain that,” aniya.

Samantala, pabor din ang OCTA sa paglalagay na sa Alert Level 2 ng Metro Manila.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA, suportado nila sakaling ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila para makabawi ang mga negosyo.

“So, iyon nga, we support iyong pag-relax sa Alert Level 2 para makabawi ang ating mga negosyo, pero we should do so in a safe manner,” ani David.

 

Related video:

ALERT LEVEL 2

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with