^

Metro

P200M pinapasauli sa mga boys na nag-'back ride' sa Mandaluyong

James Relativo - Philstar.com
P200M pinapasauli sa mga boys na nag-'back ride' sa Mandaluyong
Pinapara ng kawani ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang dalawang ito na magka-angkas sa motorsiklo habang may dalang improvised barrier sa gitna ng community quarantine
The STAR / Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Milyun-milyong pisong halaga ang layong ipa-refund ngayon mula sa lokal na pamahalaan ng Madaluyong matapos nitong manigil ng multa sa mga riders gamit ang kontrobersyal na ordinansa.

Idineklara kasing "unconstitutional" kamakailan ng Court of Appeals Fifth Division ang Mandaluyong ordinance na nagbabawal sa dalawang lalaking umangkas sa iisang motorsiklo kung hindi magkamag-anak — dahilan para pagmultahin ng P2,000 ang nasa 100,000 katao, ayon sa isang abogado.

"The P2,000 [fine] is just unacceptable. You’ll be surprised, so it's around P200 million worth of illegal exaction based on an unconstitutional policy," ani Dino de Leon, Huwebes, sa panayam ng ANC.

"[A] lot of people have been messaging me and they were saying, 'Attorney, how can I get my P2,000?' Sometimes P4,000 because they’ve been caught again."

Isa lang si De Leon sa libu-libong nahuli noon ng mga otoridad matapos sumakay ng Angkas sa Mandaluyong noong Marso 2019. Una nang sinabi ng CA na discriminatory sa kasarian at pagpapagamit ng motorsiklo ang nabanggit na ordinansa, na lumalabag din daw sa prinsipyo ng "equal protection."

Dagdag pa ng korte, hindi patas na generalization ang pananaw na "mas gumagawa ng krimen" ang mga lalaking back riders kung kaya't dapat silang lahat bawalan. Wika tuloy ni De Leon, kinakailangang maibalik agad ang P200 milyong halagang kinuha sa mga multa sa mga nasingil nito.

"[I]nnocent people are the ones being penalized just because of isolated actions of criminals," paliwanag pa niya.

"Government should be more intelligent in thinking about policies to make people safer and not just assert and already categorize males as automatically criminals or have the propensity to become criminals."

Ilan sa mga krimen na madalas gawin ng mga riding-in-tandem ay ang pagnanakaw o pamamaril ng nakaangkas sa likod.

Sinabi naman ni Mandaluyong Mayor Menchie Abalos sa ulat ng ABS-CBN News na handa silang iapela ang kaso sa Supreme Court upang mabaliktad ang naturang desisyon. Aniya, nakatulong daw kasi ito nang husto sa kanilang "peace and order.

"During that time, there was a prevalence of crimes perpetrated by those who were riding in tandem. Hence, this became the basis of our ordinance. We hope that our Supreme Court would carefully reconsider the wisdom behind the ordinance," banggit ng alkalde.

ANGKAS

COURT OF APPEALS

MANDALUYONG CITY

MOTORCYCLE

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with