^

Metro

Defensor binira ng Quezon City LGU sa ‘panlilinlang’ sa publiko

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing binatikos ng Quezon City government si Anakalusugan Rep. Michael Defensor dahil sa umano’y ‘panlilinlang’ sa publiko hinggil sa sinasabing nalalapit na pagtataas ng buwis ng lungsod.

“He is lying, the ordinance mentioned by the lawmaker has nothing to do with increasing the land tax rate, but refers to increasing assessed value of properties in Quezon City,” ayon kay City Attorney Orlando Casimiro.

Tinutukoy ni Casimiro ang Ordinance No. SP-2556, na ipinasa noong 2016 kung kailan si Mayor Joy Belmonte ay bise alkalde pa lamang at Presiding Officer ng Quezon City Council.

Nabatid na ang ordinansa ay ipinasa bilang pagtalima sa mandato ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991 na nagsasaad na ang lahat ng local government units (LGUs) ay dapat na magsagawa ng real property assessment kada ikatlong taon.

Nagpalabas naman ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) upang itigil ang implementasyon ng ordinansa matapos itong kuwestiyunin sa mataas na hukuman noong 2017.

Ibinasura rin ng Korte Suprema ang petisyon noong 2018.

Hindi rin naman ito naipatupad bilang pagtupad sa pangako ni Belmonte noong 2019 campaign na hindi magtataas ang kanyang administrasyon ng real property taxes.

“It is primarily a legislative measure where then Vice Mayor Joy Belmonte’s role was presiding officer. As Mayor she never enforced any increase in real property tax. Further, consistent with her policy and in consideration of the plight of the public during this pandemic, no public auction due to real property tax delinquency was ever conducted during her term,” pagbibigay-diin ni Casimiro.

Klinaro rin ni Casimiro na ang ordinansa ay hindi magreresulta sa pagtataas ng buwis sa lupa dahil iaayos lamang nito ng tama ang mga halaga ng lupa upang mapagtanto ng mga may-ari ng lupa ang ‘higher returns’ sa kanilang mga lupain.

“The taxes are not to be increased,” giit pa ni Casimiro.

Bagama’t plano aniya ng city government na tumalima sa increased land values na iminamandato ng batas, sinabi ni Casimiro na ang pagpapatupad nito ay malabo pa sa ngayon dahil sinuspinde ito ng City Council.

Binigyang-diin din ni Casimiro na ang pangako ni Defensor na hindi magtataas ng land taxes sa Quezon City ay hindi na bago dahil ito na ang ginagawa ni Belmonte sa nakalipas na tatlong taon.

“Please note that during Mayor Joy’s administration, taxes did not increase in the last three years. So Defensor’s promise is moot and old news already,” ayon pa kay Casimiro.

Nabatid na idineklara na rin ni Vice Mayor Gian Sotto, na siya ring presiding officer ng Quezon City Council, na walang bagong buwis na ipaiiral sa lungsod.

“Tayo po ay patuloy na nananawagan sa ating mga kasamahan sa Lungsod (lalo na at sila ay naturingang mga halal ng taumbayan) na maging maingat sa kanilang mga inilalabas na pahayag sa publiko,” aniya pa.

BUWIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with