^

Metro

Petisyon sa P3 taas pasahe sa jeep, isinampa sa LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Petisyon sa P3 taas pasahe sa jeep, isinampa sa LTFRB
Sa kanilang petisyon na isinampa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office sa pangu­nguna ng Pasang Masda, FEJODAP, ACTO, LTOP at ALTODAP, iginiit nila sa kanilang petisyon ang P3 dagdag pasahe para sa unang apat na kilometrong biyahe at wala naman silang hininging dagdag para sa succeeding kilometer.
The STAR / Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Naisampa na kahapon ang petisyon ng ibat-ibang jeepney organization para sa provisional  P3 na dagdag singil sa minimum na  pasahe sa mga pampasaherong jeep sa bansa.

Sa kanilang petisyon na isinampa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)   Central Office sa pangu­nguna ng Pasang Masda,  FEJODAP, ACTO, LTOP at ALTODAP, iginiit nila sa kanilang petisyon ang P3 dagdag pasahe para sa unang apat na kilometrong biyahe at wala naman silang hininging dagdag para sa succeeding kilometer.

Katwiran ang fare hike lamang ang magiging lunas sa naging pahirap sa kanilang hanay ng pitong linggong sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng petroleum products  sa merkado.

Sa ngayon ay P9 ang minimum fare at kapag pinayagan ng LTFRB ang fare increase sa passenger jeep ay tataas sa P12  ang minimum na singil sa pasahe sa jeep.

Ayon kay Ka Obet ­Martin, national President ng Pasang Masda, sa loob ng  ilang  linggong sunud-sunod na taas  sa presyo ng produktong petrolyo, may  P5.65 na ang halaga ng itinaas sa presyo ng  kada litro ng diesel, P4.10 naman sa gasolina at P5.30 sa kerosene.

Anya bagama’t pandemic, nais ng kanilang hanay na magkaroon ng taas pasahe sa jeep dahil lubha nang apektado ang kanilang arawang kita dulot ng serye ng oil price hike sa kabila ng maliit nilang kita sa ngayon dahil iilan ang pasahero at iilang jeep lamang ang na­bigyan ng ruta ng LTFRB para mamasada.

Dahil provisional increase ang hirit ng naturang transport group ay hindi na maisasalang sa mahabang public hearing ng LTFRB ang petisyon kundi ito ay agad-agad na madedesisyonan  ng LTFRB board para sa interes ng jeepney sector.

Samantala, tinutulan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang panawagan ng ilang transport groups na magkaroon ng taas-pasahe sa mga jeepney, bunsod nang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Tugade, kung siya ang masusunod ay ayaw muna niyang magkaroon ng taas-pasahe sa ngayon dahil mas marami  aniya ang maaapektuhan  lalo na at panahon pa ng pandemya.

Nilinaw naman ng kalihim na hindi niya nilalabanan ang iilan sa kanyang paninindigan, kundi pinuprotektahan lamang niya ang mas nakararami.

Sinabi pa ni Tugade na maaari pa namang magha­nap ng ibang pamamaraan upang matulungan ang mga jeepney drivers at operators nang hindi magtataas ng pasahe.

ALTODAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with